Bahagi na ng buhay ng maraming Pilipino ang utang o loan. Pwede itong gamitin para makalampas sa kagipitan o para mapaunlad ang iyong buhay, pero pwede rin itong magdulot ng stress lalo na kapag hindi nababayaran.
Dahil sa krisis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Middle East conflict, maaring marami ang nag-iisip na kumuha ng loan o umutang.
Mahirap sagutin ang: “Dapat ba akong mangutang?” Iba-iba ang rason at sitwasyon ng mga tao. Pero may ilang bagay na dapat isipin bago umutang.
Hindi masama ang utang. Depende ito kung para saan ito gagamitin.
Maaring masabi na ang utang ay “good debt” kapag ito ay para sa puhunan sa negosyo o mapalago ang kita, pambili ng mga asset gaya ng bahay at lupa, o para sa ‘di inaasahang gastusin na ‘di kayang punan ng iyong ipon.
Nagiging isyu ang utang kapag higit ito sa kakayahan mong magbayad. Maraming nababaon sa utang dahil sa ugaling “bahala na,” pagkuha ng marami o napakalaking utang, o pangungutang sa mga grupo na di rehistrado’t nag-papataw ng napakataas na interest rate.
Ang loan ay may kaakibat interest at fees na pwedeng magdulot ng stress kapag wala kang disiplina.
Bago mangutang, mahalagang mag-isip nang mabuti. Kahit sa panahon ng krisis, kailangan may tamang mindset ka. Narito ang ilang paalala:
Pwede mo rin tignan ang iyong kakayanan mangutang gamit ang debt burden ratio, o DBR. Ito ay ang sukat ng bigat ng iyong mga bayarin sa mga utang kumpara sa iyong kita kada buwan.
Alamin kung paano kalkulahin ito at ibang lessons at tips tungkol sa utang sa chapter 6 ng aming libreng e-book.
I-download mo rin ang reflection card na pwede mong tignan at sagutin tuwing mag-dedesisyon ka sa pag-utang.
Walang dapat ikahiya sa utang. Ito ay parang kasangkapan na makatulong o makasakit depende sa paggamit. Sa disiplina, malinaw na layunin, at tamang pag-plano, ang utang ay maaaring maging kaagapay.
Pagdating sa pera, Moneygurado muna!
Disclaimer: This article is for general information purposes and does not constitute formal financial advice. Always do further research before making financial decisions and seek professional advice from a certified personal finance counselor. For more information, read the Earnest disclaimer here.