Paano ihanda ang wallet para sa krisis?

  • April 11, 2026

1366x500 Article Banner Companion Article 1

Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging resilient. Kahit may emergencies tulad ng pagkakasakit, natural disaster, o mga ‘di inaasahang pangyayari tulad ng economic crisis kinakaya natin. Sabi nga, “kapit lang.

Pero minsan, ang resilience ay nagiging survival mode. Ito yung tipong ang goal lang ay makaraos ngayon, kahit walang malinaw na plano para bukas. Minsan ay nauuwi ito sa “bahala na” mindset.

Hindi laging mali ang mindset na “kapit lang”. It can be the emotional push you need during rough times. Nagiging mali lang ito kung passive ka o kawalan ng aksyon imbes na harapin o baguhin ang sitwasyon.

Sa usaping pera, resilient ka kung kaya mong magbayad ng bills at i-manage ang utang mo without stress kahit na may krisis. Pwedeng dahil may maayos kang budget, emergency funds at iba pang savings, o may insurance ka.Paano nga ba maging financially resilient? Ito ang ilan sa mga sa pwedeng gawin meron o wala mang krisis.  

Gawing habit ang pagplano ng finances

  • Gumawa ng budget at ilista lahat iyong kita, gastos, at utang.
  • Planuhin kung paano mababayaran ang mga utang. Unahin ang mataas na interes.
  • Magtabi ng emergency fund na katumbas ng tatlo hanggang anim na buwan na gastusin.

Maging wais sa gastusin

  • Unahin ang basic needs tulad ng pagkain, groceries, kuryente, gamot at pambayad ng utang.
  • Tignan kung anong gastusin ang pwedeng bawasan gaya ng mga subscriptions, madalas na pagkain sa labas, o impulse online shopping.
  • Maghanap ng promo tulad ng credit card cashback na pwede mong sulitin lalo na kung planado naman ang gagastusan mo.

Tandaang hindi ito tungkol sa pagtipid lang kundi sa pagiging malinaw sa priorities.


Palaguin at protektahan ang iyong kita. 

  • Kung pwede, maghanap ng dagdag na pagkakakitaan
  • Ikumpara at sulitin ang mas magandang interest rates, investment options, at mga alok ng financial institutions
  • Mag-ingat sa mga scam at fraud
  • Suriin at planuhin ang iyong insurance coverage

Hindi mawawala ang krisis, lokal man o global. Pero pwede tayong maging handa.

Ang tunay na resilience ay hindi lang ang kakayahang tumagal sa isang emergency, kundi ang kakayahang bumangon nang mas handa sa susunod.

 For practical money tips and lessons, download our free e-book and watch our docuseries.

Pagdating sa pera, Moneygurado muna

Disclaimer: This article is for general information purposes and does not constitute formal financial advice. Always do further research before making financial decisions and seek professional advice from a certified personal finance counselor. For more information, read the Earnest disclaimer here.

×