Ang pulse check para sa financial health mo

  • April 11, 2026

1366x500 Article Banner Goal Getter 1

Dahil sa krisis sa Middle East, sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis. Kasunod nito ay ang presyo ng iba pang bilihin.

Kung nag-aalala ka sa status ng iyong finances, dapat mong tignan ang iyong financial health.

Ang financial health check ay parang medical check-up pero para sa iyong pera. Ito ay nakatutulong para makita kung nasa ayos ba ang iyong budget, ipon, utang, investment, at plano para sa iyong future.

Kahit hindi panahon ng krisis, pandemic o sakuna, dapat regular mong tinitignan kung okay ba ang finances mo.  

Ano nga ba ang Financial Health?

Ang financial health ay ang pagkakaroon ng katatagan, kahandaan, at kalinawan pagdating sa pera. Kapag financially healthy ka, ibig sabihin ikaw ay:

  • may budget at pag-unawa sa cash flow mo;
  • may sapat na savings at emergency fund;
  • may maayos na pamamahala sa mga utang at bayarin;
  • may sapat na insurance at proteksyon; at
  • may plano at investment para sa iyong future.

Bakit mahalaga ang Financial Health?

Tuwing maayos ang ekonomiya o tumataas ang iyong kita, madaling isipin na okay ang finances mo, na okay lang din gumastos nang sobra, ipagpaliban ang pag-iipon, o kumuha ng hindi kailangang utang.

Pero kapag may emergency—nawalan ng trabaho, may malalang sakit sa pamilya, o biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng krisis—lumalabas agad ang ‘di pagiging handa ng wallet mo.

Being financially healthy and prepared gives you control. Kapag handa ka, mas hindi ka nag-aalala at focused ka sa pagharap sa challenges. 

Para alamin ang iyong financial health:

  • Suriin ang buwanang kita at gastos. Alamin kung saan napupunta ang iyong pera at kung sapat ba ang iyong kita para sa mga gastusin mo.
  • Tignan ang iyong savings at emergency fund. Walang hard and fast rule kung mag-kano dapat ang emergency fund, pero sabi ng ilang experts ay dapat sapat ito para sa tatlo hanggang anim na buwan na gastusin.
  • Ilista ang mga utang at interest rates. Tignan kung nababayaran mo ba on time ang mga ito gamit ang iyong buwanang kita.
  • Alamin ang iyong insurance coverage. Mas mapapanatag ka kung may insurance ka lalo na kung may mga health emergency ka o iyong pamilya.
  • I-check ng financial goals. Gaano ka ba kalayo sa savings at investment goals mo? Meron ka bang financial goals? Tandaan, you can start small. Ang maliit at malinaw na target ay mas madaling sundan. 

Healthy ba ang finances mo? 

Tignan ang aming infographic para sa mga halimbawa ng mga healthy and unhealthy financial habits. Ano ba ang mas maraming naka-check sa iyo? 

1366x1000 Article Image Goal Getter 1 FA

Pwede mong i-download at i-save ito para sa iyong next financial health check.

To keep your finances healthy, create a schedule and make this a regular activity. Pwede ring gawin ito kung may major changes sa finances mo.

For practical money tips and lessons, download our free e-book.

Pagdating sa pera, Moneygurado muna!

Disclaimer: This article is for general information purposes and does not constitute formal financial advice. Always do further research before making financial decisions and seek professional advice from a certified personal finance counselor. For more information, read the Earnest disclaimer here.

×